Sa aking kabataan, nanonood ako ng pagbubuno kasama ng aking kapatid at aking dalawang pinsan. Apat kami sa harap ng TV at sinisigaw natin ang mga mambunuo katulad ni Rey Misterio, Eddie Gurrero, at The Undertaker. Nitigil ang aking interes ng pagbubunuo nang natuklasan ako na ang pagbubunuo ay isang pagtatanghal. Sa pagbabasa ng “The World of Wrestling” ni Roland Barthes, nagbago ang aking paningin.
Nagustuhan ako sa sanaysay dahil sa mga elemento ng pagbubunuo na sumulat ni Barthes. Hindi ko alam na ang pagbubuno au katulad ng teatro. Naunawaan ko ang pakikipagbuno at dahil nag-aaral ako ng Theater Arts, natutunan ako tungkol sa teatro. Sa teatro, dapat pinalaki ang mga kilos ng mga aktor upang maaari itong makikita mula sa likod ng teatro. Dapat pinalaki din ang mga kulay ng kanilang kasuutan upang ipakita katangian ng mga tauhan. Natutunan ako sa sanaysay na katulad ang pinakamahalagang elemento sa pagbubuno sa mga elemento ng teatro. Ang mga elemento na ito ay ang kasuutan o tauhan ng mambunuo, ang kilos ng mga mambunuo, at ang aralin o punto ng pagbubuno ay katarungan.
Sinabi ni Barthes na kailangan malinaw kung ang mambunuo ay mabuti o masama. Katulad ni Thauvin, ang mga katangian na ipakita na siya’y masama. Ang isang halimbawa ng mga katangian ay ang katawan. Mataba ang katawan ni Thauvin at pangit siya. Ang kanyang pangit at katabaan ay isang katangian na paglalabas ng kanyang masama. Sinabi din ni Barthes na dapat pagmamalabis ang kilos ng mga mambunuo. Sa katotohanan hindi masakit ang mga kilos at galaw ng mga mambubunuo. Pero, dapat ipakita ang mga mambunuo na sakit ang ginawa ng kaaway nila. Dapat ipakita sa lahat na naghihirapan sila. Dapat ipakita ang sakit at hirapan dahil sa punto ng pagbubuno: katarungan. Sinabi ni Barthes na sa ibabaw ng lahat, dapat ilarawan ang pagbubuno ng katarungan. Ilarawan ang katarungan sa pagkatalo ng mga masamang mambubunuo. Sa isang paraan, ang pagbubuno ay isang balikukong uri ng katarungan. Kailangan ba magtanggap ng sakit o hirapan ang isang tao upang mabayad para sa mga ginawa? Paano ito’y pinaghihinalaang sa pamamagitan ng mga panood? Makakaapekto ba ito ng hinihikayat karahasan? O hinihikayat ito katarungan?
Sa wakas, hindi ito isang palakasan. Ang pagbubuno ay isang sining. Hindi ito dapat ipagkamali ng isang paglaro. Ito’y isang entablado. Ang kilos, ang mga mambunuo, ang mga salita at iba pang elemento ay bahagi ng sining na ito. Ipinakita ang sanaysay na ang pagbubuno ay isang mahalagang anyo ng sining. Ipinakita ng katarungan ang pagbubuno. Ipakita ito paano ang mga masama ay dapat tratuhin. Ang pagbubuno ay isang aliwin. Ang pagbubuno ay papaligaya sa mga tao. Bawat kilos, bawat galaw, bawat pagkakatalo, bawat forearm smash, bawat chop ay lumaganap ang kagalakan sa mga mukha ng nanonood. Hindi dapat ipapakita ang karahasan sa mga bata. Hindi maganda rin ang panoorin ng sakit at paghihirap. Pero dahil sa sanaysay na “The World of Wrestling” ni Barthes, gumawa niya ng isang magandang paliwanag kung bakit ang pagbubuno ay para sa lahat ng edad.
Ang pelikulang Praybeyt Benjamin ay tungkol kay Benjamin Santos VIII. Nanggaling siya sa isang mahabang linya ng mga mandirigma at sundalo. Dumating na ang panahon niya upang maging isang bayani sa pamamagitan ng pagkikilaban sa digmaan sibil para patunayan niya ang kanyang sarili sa lahat at higit sa lahat, ang kanyang lolo.
Sa maraming paraan, pagkakapareho ng Disney film na “Mulan” ang pelikulang Praybeyt Benjamin. At sa maraming paraan, hindi ito katulad ng Mulan din. Ito ang mga dahilan kung paano pareho sila. Unang pagkakapareho ay ang kwento ng dalawang pelikula. Parang kabaligtaran ng Mulan ang kwento ng Praybet Benjamin. Nagkakaroon ng isang digmaang silbil ang Pilipinas at bawat lalaki ay dapat sumali sa laban. Dahil bakla at isinasaalang-alang na babae si Benjamin, ang kanyang ama ay nagpalista sa hukbo. Ngunit dahil may sakit ang kanyang ama, pinilit si Benjamin na sumali siya sa hukbo. Pangalawang pagkakapareho, may mga eksena na katulad ng Mulan. Ang eksena na pagsasanay ang mga sundalo ay pagkakapareho sa mga eksena ng “Be A Man” sa Mulan. Pangatlo, nalaman ang mga heneral at sundalo ang tunay na pagkakakilanlan ng mga bida sa kwento. Ang mga dahilan kung bakit hindi pareho ang mga pelikula ay dahil sa tema. Pangapat, sa eksena na bihis sila bilang babae para makapunta sa loob ng base ng mga terorista.
Sa Mulan, ang tema ng pelikula ay ang lakasan ng babae. Ang tema ng Praybeyt Benjamin ay sa halip sa pagtitingin na tao muna ang mga bakla. Hindi isang sakit ang pagbabakla. Ipinapakita ang Praybet Benjamin pagkakapantay-pantay ng mga bakla.
Magaling ang pelikula dahil sa katatawanan at alam ang pelikula ito. May mga biro na dumurog ang mga aktor ng “fourth wall.” May kamalayan ang mga karakter na sila ay mga bida sa pelikula. Mabilis at madali ang mga biro at nakikita ang talas ng isip ni Vice Ganda sa kaniyang bilis makipagbiro. Ito ay ang elemento na makakaaliw ang pelikula. Ibinigay ang mga ibang aktors ng mahusay na patatanghal. Katulad ng ibang komedya, pinalaki ang kumilos subalit nakakatuwa pa rin ang pelikula.
Sa wakas, ang pelikulang Praybeyt Benjamin ay isang mahusay na pelikula halos dahil sa pagganap ni Vice Ganda. Kung hindi kay sa kanya at sa mga ibang bahagi sa pelikula, ito lamang ay isang kwento muli ni Mulan.

Sa Introduksyon: Ang Pagkatuto at Pagtatanghal ng Kulturang Popular ng Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi ni Rolando B. Tolentino, pinaguusapan niya tungkol nang kulturang popular. Bubukas ang iyong mata sa di-malay sa pagbabasa nito. Inilarawan niya kung anong bagay ay isinasaalang-alang kulturang popular, tinutukoy niya ang kulturang popular, ang katangian ng kulturang popular, ang pananaw sa pag-aaral ng kulturang popular, at ang pagkatuto at pagtatanghal ng kulturang popular. Bago ko basahin nito, ang aking unang pagtingin ng kulturang popular ay ito lamang sumasaklaw ng mga bagay na tinutukoy ng media at sining.
May pagkawili ang pagbabasa sa akin dahil hindi ako bihasa sa mga kulturang popular. Sa lahat nang sinulat ni Tolentino, sumasang-ayon ako sa karamihan. Ang sumsunod na talata ay ang aking mga natutunan, pananaw, at hindi sumang-ayon.
Ayon sa pinagbasa, ang kulturang popular ay sumasaklaw sa pinakamaraming bilang ng mga tao. Sinabi din na maaaring ito’y isang buong bansa o mga partikular na niche audience. Isang halimbawa na ipaliwanag ito sa akin ay ang mga tumatangkilik ng mga teleserye, o sa internasyonal katawagan ang mga “fandoms”. Nakikita ang mga fandoms na ito sa mga social networking sites katulad ng Tumblr. May maraming fandoms sa Tumblr at karaniwan sila’y matugunan ang isa’t isa. Nakikita nila sa kanilang sarili na sila ay isang bansa. Sa isang pananaw, ang mga fandom din ay isang uri ng kulturang popular sa ating edad.
Sinabi ni Tolentino na ang produkto ng kulturang popular ay may gamit at palitan. Ang gamit ng kulturang popular ay “may silbing emosyonal sa tumatangkilik” at ang palitan ng kulturang popular ay ang babayad para sa gamit. Nagnilay ako sa pahayag na ito at humanga ako kung ito ang dahilan kung bakit ang mga kumpanya para sa mga pelikula ay laging gumawa at palabas ng mga sine. Lagi silang gumawa at palabas ng mga sine pero hindi sila nauunawan ang ilan sa mga ito ay may parehong kwento. Para sa pera o kumita, tama ba isakripisyo ang kalidad kaysa kabuuan?
Sa isang edad na may katawagan katulad ng “Jejemon” o “Beliebers”, may isang katawagan na naglalarawan ang grupo ng mga lalaki o babae sa kanilang maagang 20’s or 30’s na hindi makisama sila sa mga bagay na mainstream o kulturang popular. Ang katawagan na ito ay “hipsters.” Gusto nila ng mga tumbalik na bagay. Hindi parehas ang mga damit na sinusuot nila pero simula pa sila ng uso sa kanilang sinusuot. Ang mga hipsters ay laging simula ng mga uso. Dahil may maraming taong ginaya sa kanila, naging mainstream o kulturang popular ba sila? O naging kulturang popular ang kultura ng mga hipsters?
Ang pahayag na hindi ako sang-ayon ay “ang kakayahnag pumili ay nakabatay sa kakayahang bumili.” Hindi ako sang-ayon sa pahayag na ito dahil sa internet, may maraming libreng alternatibo. Halimbawa, maaaring naming pagdadownload ng mga teleserye, sine, at musika. Hindi namin kailangan magbabayad upang matuto ng mga bagong uso dahil ito ay nasa social networking websites katulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at iba pa. Ang ating henerasyon ay ang henerasyon ng impormasyon. Dahil sa internet, libre na ang impormasyon.